March 31, 2009

HOW TO MAKE A "TREE" (IN RECESSION TIME)

Maliit lang ang budget sa "Mens" para sa "Flower Show" ng taong ito. Kaya, gumamit ng "basura" para makabuo ng "trunk" ng puno. Mga kahon at cardboard, masking tape...


Pagkatapos ay balutin ng pinaglumaang at mga tira-tirahang "vinyl". Makikita ang aking kasama na sinisimulang balutin ng "vinyl" ang "puno".


Mapapansin ang "graphix" na 150, 'yan ay print ng vinyl. Pagkatapos ay pintahan ng "chocolate brown".



Pagkatapos ay pintahan ng kaunting detalye sa pamamagitan ng pinturang mas maitim sa "brown" para sa mga singit-singit, at "light brown" para sa mga ibabaw.

Hindi ko na nakunan kung paano namin ginawa at ikinabit ang mga sanga. Ang malalaking sanga ay gawa sa plywood na binalutan din namin ng cardboard at vinyl. Pagkatapos ay pinintahan at dinugtungan ng "tunay" na mas maliliit na sanga na may "tunay" na dahon. At dinagdagan din namin ng mga "spanish moss" ("buhok ni Eva" ang tawag sa amin sa Cavite) para mas tumingkad pa ang luntiang kulay. At voila, nagmistulang tunay na puno na, ibon na lang ang kulang. :)





3 comments:

Anonymous said...

Ah! That flower show, the show that has you wking your a-- off! :) Terry

Anonymous said...

Thank you for secret techniques - now I can copy you :) Terry

Jake said...

hey terry, you found my blog! :)